Wednesday, March 18, 2009

larong pinoy

one time, naglalakad kami papunta sa klase ng may makanta ang classmate ko," i wanna be a tutubi na walang tinatagong baton sa aking kamay....."

natuwa ako at sumabay ng biglang singit ang lalaki kong classmate at sinabing" di ba panlarong pambabae lang yan?"

sinagot ko siya ng hindi" hindi kayaa, may naglalaro nga sa amin niyan kahit yung batang siga dun sa amin na may eksema" bigla ko na lang nalala yung mga laro na nilalaro namin noon. Ito sila:

1. Mataya- taya:
- larong habulan. Dahilan ng mga peklat sa tuhod at kamay. pag nagsimula na ang laro ay may sisigaw na" Walang Balik-bayab ha!!!" Kawawa tuloy ang taya.

2. Tumbang preso:
- laro ng hagisan ng tsinelas. Dahilan ng pagkabubuog dahil tumatakbo habang wakang saplot sa paaa. Bigla ring may sisisgaw pag may hinabol na siya "walang sisipa, sumipa taya" kaya ang mga hindi hinabol, nakatanga sa isang sulok habang naniniwala pa rin sa mangu-utong taya.

3. Patintero:
- laro ng harangan at balyahan. Dalawang grupo ang magkalaban at merong miron lang. Yung mga batang lampa o kaya ay kaaway ng mdala. Parang people of the Philippines versus bumblebee" ang drama niya. Sa simula ay masaya, ngunit di magla-laon ay magkaka-iringan na sapagkat hindi papayag ang isang grupo na taya sila habang pinaninindigan naman ng kalaban na grupo na may nataya sila.

4. Piko at tatsing:
- laro ng batuhan ng bato o kaya ay kung anu-naong laruan. Sa piko, kumuha lang ng bato ay okay ka na. Sa tatsing naman ay mga laruan na flat surface o patag. Babalutan pa ng lambre at kung anu- anong pampabigat. May daya din dito, i-share ko sa inyo. Palakihan ng hakbang nan pag nahuli ng kalaban ay magmamaang- maangan kahit huling huli na ng lahat ng nanonood.

Marami pa sana kaso nakarating na pala kami sa roomkaya tinigilan ko na ang kai-isip ng mga larong alam kinalakihan na nating lahat. (Pst! ikaw! Ikaw nga! Wag ka ng magmang-maangan pa ha? Payaman effect ka pa eh alam ko namang nalaro mo narin yan no! Chosero!)